Migz Haleco

MAY pagka-Jerome Ponce ang itsura ng bagong singing heartthrob ng PPL Entertainment na si Migz Haleco.

Puwede silang gumanap na magkuya ng bagets actor ng Be Careful with My Heart.

Sumali sa Talentadong Pinoy si Migz nu’ng 15-anyos siya. Naggitara lang siya roon dahil hindi pa siya kumakanta that time.

Migz Haleco 

Nag-attempt din siya sa Pilipinas Got Talent pero hindi siya nakalusot.
Ngayon, bukod sa husay niyang maggitara ay kumakanta na ang 20-anyos na binata na 6’1” ang height.
Nag-aral siyang uma­wit at natuto na rin ­siyang magsulat ng mga kanta.
Marami na siyang na-upload na cover songs sa Soundcloud na hit na hit lalo na sa mga estudyante.

Kaya ang tawag sa kanya ay campus heartthrob. Tatlong solid na original songs na ang natapos niya.
Walang girlfriend ang mahiyaing si Migz na Music Production student sa College of St. Benilde.
Break na sila ng last GF niyang taga-La Salle. Graduating si Migz next year.

Migz Haleco
Itina-tandem siya ng manager niyang si Tito Perry Lansigan sa bago ring PPL artist na si Maya.
Napapangiting sey ni Migz, hindi niya alam kung puwede silang madebelop ni Maya, but anything can happen.
Back-to-back sila ni Maya kung mag-perform. Enjoy si Migz na may nakaka-partner siya sa stage.

Plano niyang magkaroon ng sarili niyang album na isasama niya ang kanyang original compositions.

Sa July 17 ay may show sina Migz at Maya na Merged sa 19East Bar & Grill sa Sucat, Parañaque with guests Jay Durias and Gloc-9.